RIDING IN TANDEM | Guro sa Zamboanga City, patay matapos pagbabarilin

11

Zamboanga City – Patay ang isang guro matapos na pagbabarilin sa Barangay Talon Talon Loop, Zamboanga City.

Nakilala ang biktima na si Ibrahim Baginda y Bakil, 34-anyos na Arabic professor at residente ng Masjid Abubakar, Talon Talon.

Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang anak na menor de edad nang barilin ng mga suspek na riding in tandem.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente kung saan hindi naman naplakahan ang ginamit na motorsiklo ng mga ito.

Facebook Comments