GOOD NEWS! | Gobyerno, may alok na trabaho para sa mga bagong graduate

Manila, Philippines – Good news sa mga bagong graduate at naghahanap ng trabaho, maari kayong kumita sa summer job at Internship Program ng Public Employment Service Office o PESO. Aabot kasi ngayon taon sa mahigit siyam na milyong piso ang alokasyon para sa government internship program. Ayon sa Bureau of Local Employment, ang program ay nagsisilbing tulay sa mga bagong graduate na walang work experience. Kinakailangan lamang magdala ng birth certificate at diploma ang mga interesado sa anumang branch ng PESO o Regional Office ng Department of Labor and Employment (DOLE). Mayroon din hiwalay na programa ang DOLE para sa mga estudyanteng naghahanap ng summer job para makatapos ng kanilang pag-aaaral. Simula 2013, umabot na sa 93,810 ang mga natulungan ng government internship program.

Facebook Comments