DENGVAXIA ISYU | Dating Pangulong Noynoy Aquino, iginiit na walang basehan ang mga reklamo laban sa kanya

47

Manila, Philippines – Iginiit ni dating Pangulo Benigno Aquino III na walang basehan ang mga kasong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine fund. Sa kaniyang pagharap sa Law Department ng Commission On Elections o COMELEC sinabi ni Aquino na kung titingnan daw kasi ang reklamo sa kaniya, kulang-kulang sa detalye at walang basehan. Dahil dito, sinabi ni P-Noy na nagpapapansin lamang ng mga taong nais maappoint sa posisyon kaya kung anu-ano na lamang ang ibinibintang sa kaniya. Dagdag pa ng dating Pangulo na nakahanda siyang sagutin sa tamang forum ang mga reklamo.

Facebook Comments