Isang grupo ng mga estudyante ang hinirang bilang overall champion sa katatapos na Youth Friendship Festival 2022 na ginanap sa Victoria Theater sa Singapore.
Ang mga kalahok na kumatawan sa Pilipinas sa tatlong araw na kaganapan ay nagmula sa Performing Arts Studio Philippines kung saan hinahasa ng mga batang mananayaw ay nasa edad ay mula anim hanggang 14, at nagmula sa Dagupan City, San Carlos City, Mangaldan at Calasiao.
Ilan sa mga naging katunggali ng Pilipinas ay mula sa Korea, Singapore, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Taiwan, United States, Canada, United Kingdom at France.
Itinanghal bilang overall champion ang Pilipinas sa mga kategorya ng kontemporaryong grupo at solo classical ballet na kapwa nakasungkit ng gold and silver award.
Samantala, ipinagmamalaki ang mga estudyante sa kanilang pagiging dynamic, collaborative at disiplinadong mananayaw sa kanilang pinakamurang edad. |ifmnews
Facebook Comments