Panukalang MIF, kailangang ipaliwanag nang mabuti sa publiko

Magandang idea para kay Pampanga Representative Ana York Bondoc ang panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund o MIF dahil napatunayan na ang tagumpay nito sa ibang mga bansa.

Kumbinsido si Bondoc na mainam itong paraan para madagdagan ang pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng investment.

Pero giit ni Bondoc, dapat itong lagyan ng safeguards at kailangang ipaliwanag nang mabuti sa mamamayan na marahil ay nabigla sa naturang konsepto.


Facebook Comments