Good news na naman sa mga motorista!
Epektibo kaninang alas sais ng umaga, nagpatupad ng oil price rollback ang ilang kompanya ng langis.
P1.10 ang bawas-presyo ng Unioil Petroleum Philippines sa kada litro ng diesel habang P1.30 naman sa gasolina.
Alas 12:01 naman kaninang hatinggabi nang magpatupad ng parehong rollback ang Clean Fuel.
Kahapon, nauna nang nagbawas-presyo ang phoenix petroleum philippines.
Ito na ang ika-anim na sunod na linggong nagpatupad ng rollback ang mga oil company.
Facebook Comments