Manila, Philippines – Posibleng maging bagong destinasyon para sa mga pinoy workers ang ilang lugar sa Europa.
Ayon sa Philippine Association of Service Exporters Inc. (PASEI), lumalaki kasi ang demand ng mga manggagawang pinoy sa Europa partikular sa Czech Republic, Poland, Germany at Austria
Sinabi ni Pasei President Elsa Villa na nakatakda silang magtungo sa apat na bansa upang alamin ang mga posibleng oportunidad na pwedeng magbukas para sa mga OFW.
Ilang umano sa mga pangunahing kailangan sa Europe ay ang mga healthcare professional tulad ng nurse at caregiver maging mga karpintero at construction worker.
Nagpaalala naman si Philippine Overseas Employment adMinistration o POEA Administrator Bernard Olalia na dapat magkaroon ng bilateral agreement sa Pilipinas ang mga nabanggit na bansa bago magpadala ng mga OFW.
Ito ay upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa habang nagtatrabaho sa kanilang bansa.