GOOD NEWS | Isang barangay sa Makati, idineklarang drug free

Makati City – Panglimang barangay, idineklarang drug free sa Makati City.

Nadagdagan pa ang mga barangay sa Makati City na idineklarang drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ginanap na pagpupulong ng Southern Police District (SPD), Makati City Police Station at Makati Anti-Drug Abuse Council (MADAC), idineklarang drug-cleared ang Barangay Bel-Air.


Ayon kay PCI Gideon Ines, Deputy Chief of Police ng Makati City Police, December 5 nang ideklarang drug free ang barangay matapos makapagtala ng zero drug user, pusher at clan lab.

Sa kabuuan, lima na sa 33 mga barangay sa lungsod ang wala nang banta ng ipinagbabawal na gamot.

Napag-usapan din ang tungkol sa pagpapalakas ng rehabilitation program para sa mga drug dependents.

Inatasan din ang mga opisyal ng barangay na i-update ang kanilang drug watch list.

Facebook Comments