PEACE TALKS | Dayalogo sa pagitan ng mga pulis at mga lider ng Muslim, sinimulan

30

Nagsimula na ang dayalogo ng mga lider ng Muslim at hanay ng pulisya upang maisulong ang payapa at ligtas na komunidad.

Isinagawa ang pag-uusap alas 8 ng umaga kahapon kung saan ipinakita ang pakikiisa ng mga lider ng Muslim community patungkol sa kampanya laban sa krimen.

Layon nito na makatiyak na ligtas at payapa ang lungsod ng Maynila.

Samantala, mula alas-11 ngayong umaga hanggang ala-una ng hapon mamaya ay magsasagawa ng prayer rally sa Golden Mosque para sa idaraos na plebisito sa Enero 2019.

Ito ay upang ganap na maisakatuparan ang Bangsamoro Organic Law o BOL.

Inaasahang dadalo ang mga kilalang personalidad na sumusuporta sa BOL sa prayer rally mamaya.

Facebook Comments