GOOD NEWS: ISANG DANCE CREW GROUP SA BAYAN NG PANGASINAN, KILALANIN

Isa sa mga lokal dancers at dance group ang “THE BIG CHEESE” na tubong Dagupan City, Pangasinan na magaling at may napakagandang layunin sa lahat ng kanilang miyembro. Pinangungunahan ito ng kanilang Director Head na si Emman Hipolito.
Ayon sa kaniya, nag umpisa ang kanilang grupo noong taong 2018. Sila ay may 19 members na nakaline up sa upcoming dance competition. Galing sa mga iba’t ibang pioneer members sa isang University dance troupe sa Dagupan City.
Ang nasabing grupo ay nag sama sama at nabuo bilang isa dahil ang kanilang layunin ay makilala sa big scene ng industriya at marecognize ang kagalingan ng lokal dancers upang maipakita, at ibahagi kung gaano ka-talentado ang mga Pangasinense sa larangan ng pag sayaw.

Sabi naman na kanilang Co Director na si Kenny Morante, para sa lahat ng aspiring dancers, huwag silang titigil sa kanilang passion at pangarap. Laging balikan ang rason kung bakit mo gustong mag sayaw, at magtiwala ka sa iyong talento.
Nitong susunod na February 25 2023, suportahan ang “THE BIG CHEESE” sa kanilang nalalapit na dance competition ang “BODY ROCK ASIA DANCE COMPETITION 2023”. Isang International dance competition na ang maghohost ay bansang Pilipinas.
Irerepresenta ng grupo hindi lang ang Pangasinan, ngunit ang ating bansang Pilipinas na gaganapin naman sa Solaire Theater. |ifmnews
Facebook Comments