TATTOO ARTIST, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG POZORRUBIO

Arestado ang isang tattoo artist sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Pozorrubio.
Ang suspek ay nakilalang si Aries Santiago residente ng Urdaneta City.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas-siyete ng gabi na nagresulta ng pagkumpiska ng dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

Ang suspek ay nasa listahan din bilang Street level individual ng PNP sa usapin ng illegal drugs.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments