Manila, Philippines – Magdaraos ng jobs fair sa Middle East ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon nito na mahikayat na umuwi sa Pilipinas ang mga displaced skilled workers na OFWs.
Paliwanag ni Bello na isasagawa ang isang linggong Jobs Fair sa Qatar, Kuwait at Saudi Arabia kung saan tinatayang 18 libong trabaho ang i-aalok sa mga OFW na nagnanais na makabalik ng bansa.
Napag-alaman na ang 18 libong bakanteng trabaho ay para lamang sa pangangailangan ng mga kumpanyang pag-aari ni dating Senador Manny Villar kabilang dito ay karpentero, mason at tubero.
Inanunsiyo rin ng kalihim na kailangan ng 2 libong guro ng Department of Education na maaaring pag-aplayan ng mga nais na magtrabaho sa naturang ahensiya.