GOOD NEWS | Mahigit 1,000 bata na may kapansanan, makikinabang sa binuksang disability center sa QC

Quezon City – Pakikinabangan na ng may mahigit isang libong bata na may kapansanan ang binuksang Disability Center sa Quezon City.

Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, sa inisyal na implementasyon ng programa, tinukoy ng city government limang barangay sa ikalawang distrito ng lungsod na seserbisyuhan ng tatlong palapag na Disability Center sa SB Park sa Barangay Batasan.

Aminado naman si Belmonte na hindi sapat ang itinayong istruktura dahil ang higit nilang kailangan ay mga espesyalista dahil sa ngayon ay iilang volunteers pa lamang ang mangangasiwa sa binuksang disability center.


Sa kagustuhang madami pa ang matutulungan na mga batang may diperensiya ay umaasa ang bise alkalde na magkakaroon ng suporta ang inumpisahang programa sa ilalim ng public private partnership program.

Ito ay sa paniwalang malaki ang maitutulong ng pribadong sektor upang lumawak ang Kabahagi program lalo pa at hindi lahat ng may kapansanang bata sa lungsod ang nabibigyan ng atensyon ang kanilang pangangailangan dahil ngayon pa lang naging kongkreto ang programa na noon pa ipinursigeng ipasa sa konseho.

Facebook Comments