Manila, Philippines – Mahigit tatlong libong trabaho ang magbubukas sa New Zealand para sa mga skilled at semi-skilled workers sa mga construction firm.
Bukas ito partikular sa mga welders, foreman, engineers at iba pa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sa taong 2018 inaasahan rin na gugulong na ang mga kondisyon sa pagkuha ng mga pinoy applicant sa japan matapos malagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Sa ilalim ng TITP o Technical Intern Training Program, hindi lang mula sa government institution ang magiging employers kundi maging sa pribadong sektor.
Dito tinatayang mahigit 100,000 trabaho ang bubuksan sa Japan.
Nangangailangan din ng nurses at caregiver ang Republic of San Marino isang bansa Europa.
Mga factory workers naman ang kailangan ng South Korea habang skilled at semi-skilled workers ang hinahanap sa China pagdating ng 20018.
Sa isang taon pa maaring lumabas ang job orders pero maari na itong paghandaan.
Paalala naman ng POEA, mag-ingat sa illegal recruiters, nakalagay din sa www.poea.gov.ph kung sinu-sinong mga accredited recruitment agency.