GOOD NEWS | Mga magtatapos ng K12 sa Dagupan maaring maging iskolar!

Maaring mag apply ng scholarship ang mga estudyanteng magtatapos sa K12 ngayong taon ayon sa City Social Welfare and Development Dagupan.

Ayon kay Mr. Marnie S. Ignacio, Focal Person For MBTF Scholars, ang proyektong ito ay nasimulan na noong 2012 sa pamumuno ng kasalukuyang Mayor ng lungsod na si Mayor Belen T. Fernandez at hanggang ngayon pinag iigting ito upang matulungan ang mga estudyanteng makapag aral.

Sa taong 2013-2017 ang bilang ng mga iskolar ay nasa 2,209. Upang mka kuha ng scholarship maaring magtungo sa CSWD at dalhin ang Certificate of Indigency, Copy of Grades, at Voter’s I.D. Sa dagdag pang impormasyon hanapin lamang si Mr. Marnie S. Ignacio.


Ang mga paaralang kabilang sa scholarship program na ito ay ang Kingfisher,Lyceum of North-Western University,University of Luzon,Philippine Merchant Marine Academy, Pimsat, University Of Pangasinan at Colegio De Dagupan.

Ulat nina Maricel Erguiza at Janzel Omagtang

Facebook Comments