WAR ON DRUGS | Kontak ni Jaguar at Sabalones, timbog!

Manila, Philippines – Naaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region ang drug suspect na isa sa mga kontak ng mga drug lord na sina Jeffrey Jaguar Diaz at Frans Sabalones sa Mendez, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP CIDG NCR Chief Police Senior Supt. Wilson Asueta ang naarestong drug suspect na si Rico Digal, 40 anyos at tubong Carmen, Bohol.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Jugde Patsita Sarmiento-Gamutan, ang presiding judge ng RTC branch 51 sa Carmen, Bohol.


Ayon kay Asueta, si Digal ay nasa number 5 sa regional high value target drug personalities sa region 7 at nagsisilbing lider ng Digal Drug Group.

Inamin din aniya mismo ni Digal na kumukuha siya ng droga mula kina Jaguar at Sabalones para sa kanyang mga drug transaction.

Facebook Comments