Manila, Philippines – Inihayag ni OFW Expert at ESG Consultancy Services Incorporated Emmanuel Geslani na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na mayroong 6 na taon ng nag-tatrabaho at naninirahan sa Taiwan ay pwedeng mag-aaply ng residency sa naturang bansa.
Ayon kay Geslani kapag naipasa na ang panukalang batas sa Taiwan na ang mga OFW na nakatira at nag-tatrabaho sa naturang bansa ay may posibilidad na magiging permanent na residency basta at tuloy-tuloy lang ang kanilang trabaho sa naturang bansa.
Paliwanag ni Geslani sa ngayon aniya ay may kakulangan na 120 libong international students at migrant workers sa Taiwan na nais na mag trabaho at mag aral sa naturang bansa.
Dagdag pa ni Geslani na noong August nakaraang taon mayroon shortfall ng industrial and service sector na 218 libong employees at 120 libong medium skilled job sa Taiwan kung saan ang sahod ng industrial sector ay umaabot sa 74 na libong piso habang 57 libong piso naman para sa Social Welfare Sector sa Taiwan.
Mayroon naman aniyang 140 libong pisong sahod sa mga migrant workers at 42 libong pisong sahod sa Factory workers bawat buwan plus overtime habang 34 libong piso naman para sa caregiver.
Una nang inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) tumaas ang employment rate sa mga OFW sa Taiwan na umaabot sa 4.42 percent o katumbas ng 62,958 noong 2015 habang 65,364 naman noong 2016.