GOOD NEWS! | Mga Pinoy, magiging pinakamalusog na tao sa Asya sa mga susunod na taon

Manila, Philippines – Nakikita na ang mga Pilipino ang pinakamalusog na tao sa Asya sa 2040, ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque nang dumalo sa 71st World Health Assembly sa Geneva, Switzerland.

Binanggit ni Secretary Duque ang pagpasa ng Sin Tax Law noong 2012, isang mahalagang batas na nagpopondo sa Universal Health Coverage ng gobyerno sa ilalim ng PhilHealth.

Sa kanyang pahayag sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Secretary Duque na ang Pilipinas ay nasa tamang landas upang masiguro na ang bawat Pilipino ay may pinakamataas na posibleng antas ng kalusugan, may access sa quality at abot-kayang healthcare.


Nuong 2017, dinagdagan ang buwis sa mga matamis na inumin, upang pondohan ang imprastraktura sa pagbibigay ng malinis na maiinom na tubig sa lahat ng mga pampublikong paaralan.

Ayon sa kalihim, ang mga ito at iba pang mga hakbangin sa kalusugan ay dinisenyo upang itaguyod ang malusog na lifestyles para sa lahat ng Pilipino.

Pinangunahan ni Secretary Duque ang Philippine Delegation sa 71st World Health Assembly, na dinaluhan ng 194 UN Member States, na muling nangako na maabot ang universal health coverage sa 2030.

Facebook Comments