NAKAUWI NA | Dating U.S. President George H.W. Bush, nakalabas na ng ospital

Amerika – Nakalabas na ng ospital si dating U.S. President George H.W. Bush matapos ang isang linggong pagpapagamot dahil sa kanyang low blood pressure.

Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Jim Mcgrath, lubos na nagpapasalamat si Bush sa mga nag-alaga sa kanya sa Southern Maine Health Care Hospital.

Si Bush sa edad na 93 ang pinakamatandang nabubuhay na pangulo ng Amerika.


Siya rin ang ika-41 pangulo ng Estados Unidos mula 1989 hanggang 1993 at ama ng dati ring U.S President na si George W. Bush.

Facebook Comments