Good news para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

2632

Naghahanap ng authorized Lotto o Keno Agent ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa kanilang mga lotto outlet sa buong bansa

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, kung dati ay kailangang magbayad ng ₱2,500 application fee para maging isang lotto agent at isa pang ₱2,500 para naman maging keno agent, ngayon ay ₱2,500 na lang ang babayaran para maging isang lotto, keno at sweepstakes agent.


Binawasan din ng PCSO ang renewal fee para sa kanilang mga miyembro na aabot na lang sa ₱1,000 sa loob ng dalawang taon na dati ay nasa ₱3,750.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon, bumisita lang sa PCSO official website sa www.pcso.gov.ph

Facebook Comments