GOOD NEWS | Peace talks sa MNLF, nais ipagpatuloy ni PRRD

39

Manila, Philippines – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang usapang pangkayapayaan sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Ito ay kapag naratipikahan sa plebisito ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Umaasa ang Pangulong Duterte na magkaroon ng ‘yes votes’ sa plebisito para makapag-usap muli sila ni MNLF founding chairperson Nur Misuari.

Muli ring inihayag ng Pangulo ng kahandaan na maitatag ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Nitong Hulyo, nilagdaan na ng Pangulo ang Republic Act 11054 o ang Organic law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments