NASAWI | Utah mayor, patay sa insider attack

155

Afghanistan – Nasawi ang isang mayor ng Utah State matapos ang insider attack sa Kabul, Afghanistan.

Kinumpirma ni Utah Lieutenant Governor Spencer Cox ang kamatayan ni North Ogden Mayor Brent Taylor.

Si Taylor ay miyembro ng Utah National Guard, may asawa at pitong anak.

Sa inisyal na ulat, ang suspek ay dating miyembro ng Afghan National Defense and Security Forces na agad na napatay.

Matatandaang binakante ni Taylor ang kanyang posisyon para magsilbi sa Afghanistan, na ika-apat na beses nitong deployment.

Facebook Comments