Manila, Philippines – Nagmura na ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan.
Mula sa P200 kada kilo, nasa P140 kada kilo na lang ito ngayon.
Hinala naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Eduardo Gongona, na minamanipula ang presyo ng galunggong dahil alam ng traders na paparating na ang mga inangkat na galunggong.
Sa kabila nito, nagmahal naman presyo ng bangus nang P20 kada kilo dulot ng umano ay kakulangan sa suplay.
Iginiit ni Gongona na maaaring nagkaroon ng dagdag-presyo dahil sa dagdag-singil sa produktong petrolyo na kinakailangan sa paglilipat ng mga isda mula sa farm hanggang sa merkado.
Facebook Comments