Manila, Philippines – Bumaba na ang presyo ng ilang gulay at commercial rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa kamuning market, bumaba nasa P50 ang kada kilo ng kamatis mula sa P100 kada kilo noon at ang carrots ay bumagsak sa P80 kada kilo mula sa P120 kada kilo.
Ang patatas naman, P80 na mula sa P100 kada kilo, habang ang sili na dating P1,000 kada kilo ngayon ay nasa P500 kada kilo na lang.
Pero ilang gulay naman na ang tumaas ng presyo tulad ng talong at ampalaya, na ngayon ay P100 mula P80 kada kilo, repolyo na P140 mula P120 kada kilo at lettuce na P420 kada kilo mula P350 kada kilo.
Kasabay nito bumaba naman ng P1 hanggang P2 ang ilang commercial rice, na P40 hanggang P50 kada kilo ngayon.
Pero ang ilang special o premium rice ay nakapako pa rin sa P55 hanggang P60 kada kilo.
Posible namang bumaba pa ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo habang patuloy ang panahon ng anihan.
Bukod sa mga wet market, mabibili rin ang NFA rice sa apat na supermarkets sa Quezon City: ito ay ang daily supermarket sa P. Tuazon corner 20th Avenue, San Roque Supermarket sa Quirino Highway corner Dumalay Street, Novaliches, GL del Monte sa 1032 del Monte Avenue at JC Plaza Supermart sa 22 T. Gener Street. Kamuning.