GOOD NEWS | Presyo ng gulay at karne, bumaba

Kasunod ng pagbaba ng presyo ng gasolina tila sumasabay at gumaganda ang presyo ng gulay at karne.

Sa kamuning market 50% na lang ang naging presyo sa ilang gulay per kilo.

Kabilang na ang talong, dating P80 per kilo ngayon P40 nalang. Kalabasa P10 per kilo, repolyo P60, ampalaya P 60 per kilo, petchay Baguio P40 per kilo dating P80 per kilo. Habang ang Sibuyas P60 per kilo, Bawang P60-70 per kilo.


Gumaganda na rin ang presyo ng karne.

Bumaba ng P10 ang kilo na manok na ngayon ay P150 nalang. Habang P230 at walang paggalaw sa presyo ng baka.

Sa ngayon, mayroon pang inaasahang karagdagang rollback sa gasolina at umaasa rin ang publiko na mas bababa pa ang presyo ng ilang bilihin sa merkado.

Facebook Comments