GOOD NEWS | Presyo ng gulay, bumaba na – ayon sa DTI

Manila, Philippines – Bumaba na ngayon ang presyo ng gulay sa mga palengke base sa monitoring ng Department of Trade and Industry.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – lumakas kasi ang suplay ng gulay habang tumumal naman ang demand dahil iniisip ng mga tao na mahal pa rin ang presyo nito.

Pero dahil matumal ang benta, nagrereklamo naman ngayon ang mga magsasaka.


Dahil dito, hinikayat ni Lopez ang mga consumer na bumili ng gulay para mapanatiling stable ang presyo nito.

Sa datos na inilabas ng DTI, as of October 23, mabibili na lang sa halagang P57 ang kada kilo ng ampalaya mula sa dating P100 noong Setyembre.

· beans – P100/ kilo mula sa dating P140
· repolyo – P60/ kilo from P130
· carrots – P75/ kilo from P180
· kalabasa – P18/ kilo from P45
· luya – P88/ kilo from P90
· sibuyas – P55/ kilo from P85
· pechay baguio – P45/ kilo from P120
· patatas – P58/ kilo from P60
· siling labuyo – P685/ kilo from P850
· kamatis – P30/ kilo from P49
· sitaw – P50/ kilo from P95

Positibo naman si Lopez na tuluyan nang bababa ang inflation rate sa huling quarter ng 2018.

Matatandaang pumalo sa 6.7 percent ang inflation nitong Setyembre na pinakamataas na sa loob ng siyam na taon.

Facebook Comments