Manila, Philippines – Asahan na ang bawas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Huwebes, Nobyembre 1.
Ayon sa ulat, nasa P5 hanggang P7 kada kilo o katumbas ng P55 hanggang P77 sa 11 kilogramo na tangke ang mababawas.
Paliwanag ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, posible ito dahil galing sa krudo ang LPG.
Pero sabi ni Romero, sa Oktubre 31 pa malalaman kung magkano talaga ang bawas sa presyo ng LPG.
Facebook Comments