Pinulong kamakailan ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III ang mga pinuno ng labing apat na ospital ng lalawigan. Layunin ng nasabing pagpupulong ang paghikayat sa mga hospital chiefs na makipagtulungan sa pagbuo ng konkretong plano sa planong pagdagdag ng mga kawani at pagdaragdag ng mga pasilidad sa 14 hospitals ng Pangasinan.
Bukod sa pagpapaganda ng mga pasilidad ng mga provincial hoapitals ay gustong pagtuunan ng pansin ng gobernador ang pagpapalaki at pagpapatibay ng pwersa ng mga nasabing ospital dahil narin sa lumalaking pangangailangan ng mga pangasinense.
Mithiin ng provincial government ang mapanatiling number 1 ang lalawigan pagdating din sa serbisyong medikal. Sa katunayan noong 2014 ay natanggap ng lalawigan ang ISO-certification dahil narin sa de kalidad na serbisyo ng mga provincial hospitals sa mga pasyente dagdag pa ditto ang improved facilities.
Ayon sa gobernador ang kasalukuyang ratio ng isang nurse ay nasa 105 patients dahil narin sa panunumbalik ng tiwala ng mga pangasinense sa kakayahan ng mga ospital sa probinsya sa pagbibigay serbisyo.
Ngunit target ng provincial government na gawing 1 doctor o 1 nurse ay 15 patients kada araw. Sa kasalukuyan ang bed capacity ng mga ilan sa malalaking provincial hospitals ay ang mga sumusunod:
· Bolingit, San Carlos City – 450 beds
· Western District Hospital in Alaminos City – 100 beds
· Urdaneta District Hospital – 110 beds
Tiwala ang gobernador na maisasakatuparan ang mga planong pagpapaganda ng pasilidad at pagdaradag ng mga kawani ng mga ospital sa lalawigan sa pag-apruba ng budget dito na may 20% dagdag o may halagang P912 milyon.
Source: Press Release from Pangasinan PIO
Photo-credited to Pangasinan PIO