Halos 800 trabaho ang inaasahang mabubuksan sa Pilipinas na resulta ng mga naging pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.
Ayon sa impormasyong mula sa Department of Trade and Industry ay bukod sa 21 kasunduan na nalagdaan sa Israel sa pagitan ng Pilipinas at ng mga negosyante sa israel ay mayroong mabubuksan na 790 trabaho para sa mga Pilipino.
Hindi sinabi ng DTI kung anong larangan ko klase ng trabaho ang mga mabubuksan.
Matatandaan naman na sinabi ng DTI na aabot sa 83 milyong dolyar na investments ang maiuuwi ni Pangulong Duterte matapos siyang bumisita sa Israel matapos makipagpulong sa mga negosyante doon.
Ngayong araw naman ay pupunta na ng Jordaan si Pangulong Duterte para sa kanyang official visit.
Bukas naman ay magsisimula ang official schedule ni Pangulong Duterte kung saan kabilang dito ang isa nanamang Buisiness forum kung saan inaasahan na magiimbitang muli ang Pangulo ng mga negosyante sa Pilipinas.