WAG MANGAMBA | Speaker GMA, pinakalma ang publiko sa mataas na inflation rate

138

Manila, Philippines – Pinawi ni House Speaker Gloria Arroyo ang pangamba ng publiko kaugnay sa pagtaas ng inflation rate sa 6.4% nitong buwan ng Agosto.

Ayon kay Arroyo, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para maibaba ang inflation sa lalong madaling panahon.

Ipinarerekunsidera ni Arroyo ang kanyang mga inirekomendang hakbang sa Malakanyang para mapababa ang inflation sa bansa.

Aniya, noong panahon na siya ang Pangulo ay pumalo sa 6.6% ang inflation rate sa bansa noong March 2009.

Nagawa aniya nila itong mapababa sa loob lamang ng tatlong buwan kung saan kabilang sa naging solusyon ang malawakang importasyon ng bigas at pamimili ng aning palay ng lokal na magsasaka.

Samantala, iginiit ni SGMA na hindi dapat sisihin ang TRAIN 1 sa mataas na inflation rate dahil maliit lamang na porsyento ang epekto nito sa ekonomiya.

Paliwanag ni Arroyo, lima ang pangunahing drivers o dahilan ng pagtaas ng inflation—ang exchange rate, presyo ng bigas, isda, karne at langis.

Facebook Comments