GOOD NEWS | PRRD, nais magkaroon ng pinakamalaking job fair sa bansa

Manila, Philippines – Magsasagawa ang gobyerno ng pinakamalaking job fair sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay House Deputy Speaker Rolando Andaya, aabot sa 130,000 posisyon ang maaring i-alok sa mga guro, pulis, bumbero at jail guards sa susunod na taon.

Aniya, ito mismo ay ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ani Andaya, gusto ng Pangulo na mapunan ang 105,529 na bakanteng posisyon sa Department of Education (DepEd).

Humiling din ang Pangulo sa Kongreso ng pondo para tumanggap pa ng 10,000 police officers 1; 2,000 jail officers 1; at 3,000 fire officers 1.

Bukod dito, may-iaalok ding trabaho para sa mga doctor, nurse, engineers at technicians.

Facebook Comments