Magsasaka sa Tumauini, Isabela, Arestado sa Pananaga!

Tumauini, Isabela- Bagsak kulungan ang isang magsasaka matapos nitong tagain ang isa pang lalaki sa barangay Moldero Tumauini Isabela pasado alas kwatro kahapon Hulyo 28, 2018.

Kinilala ang biktima na si Robin Pauig, 38 anyos, may-asawa habang ang suspek naman ay kinilala namang si Mariano Francisco, 35 anyos, may-asawa, magsasaka ay mga pawang residente sa naturang Barangay.

Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, mayroon na umanong dating alitan ang dalawa at lasing ang biktima ng makita nito ang suspek na naglalaro ng baraha kung saan ay sinuntok pa ang ulo nito.


Agad namang tumakbo ang suspek para kinuha ang kumuha ng patalim at pagbalik nito ay tinaga si Pauig sa kanang bahagi ng kanyang kamay.

Samantala, isinugod naman sa pagamutan si Pauig para sa agarang lunas habang dinala naman ng kapitan ng naturang barangay si Francisco sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments