Manila, Philippines – Siguradong magiging masaya ang Pasko ng public school teachers dahil magkakaroon sila ng P3,000 bonus.
Ito ay bilang handog sa selebrasyon ng anibersaryo ng Department of Education (DepEd) sa Disyembre.
Nabatid kasi na sa umiiral na administrative order, pinapayagan ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng naturang bonus sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, naglaan sila ng kabuuang P2.8 billion para sa bonus ng kanilang mga tauhan kabilang ang mga public school teachers at staff.
Bukod sa bonus, inaasikaso na ng DepEd na itaas ang tinatawag na “chalk allowance” o cash allowance ng mga guro sa P5,000 mula sa P3,500 at target ng ahensya na maibigay ito sa susunod na taon.
Facebook Comments