GOOD NEWS | Rollback, sasalubong sa mga motorista ngayong Linggo

68

Manila, Philippines – Magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo.

Ito ay matapos ang tatlong linggong makakasunod na oil price hike.

Matatapyasan ng 30 hanggang 40 centavos sa kada litro ng diesel at gasolina.

Magmumura naman ng 50 hanggang 60 centavos sa kada litro ng kerosene.

Mula Enero hanggang Mayo 5, tinatayang lagpas P8.00 na ang itinaas sa presyo ng diesel at kerosene, at P7.00 kada litro naman sa gasolina.

Facebook Comments