Manila, Philippines – Nalampasan ng gobyerno ang target na koleksyon nito ng excise tax sa unang bahagi ng taon.
Sa datos ng Department of Finance (DOF), aabot sa P152.72 billion ang nakolektang excise tax, mataas kumpara sa 136.82 billion pesos na target.
Mataas din ito sa halos sa 89.09 billion pesos na nakolekta noong nakaraang taon.
Ayon kay Finance Undersecretary Mark Joven, higit 11% rito o 112.46 billion pesos ay galing sa sin tax o buwis sa alak at sigarilyo.
Tumaas din ngayong taon ang excise tax collections sa petrolyo (P18.03 billion), mineral (P1.56 billion).
Unang taon naman ito ng gobyerno para makapagkolekta ng excise tax sa matatamis na inumin (P17.65 billion).
Wala namang kinita ang gobyerno sa cosmetic procedures.
Ang pagtaas ng higher disposable income ng Pinoy consumers ay resulta ng pagbaba ng personal income tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.