Manila, Philippines – Pinadalhan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng show cause order ang Grab Philippines.
Ito ay upang padaluhin sa pagdinig sa Martes para magpaliwanag sa ipinapataw na overcharge fare sa kanilang mga pasahero.
Ang hakbang ng LTFRB ay kasunod ng pagkakatuklas ni PBA Party-List Representative Jericho Nograles na aabot sa P1.8 billion ang umano’y overcharge fare ng Grab.
Sa interview ng RMN manila, sinabi ni Nograles na hindi alam ng LFTRB ang iligal na paniningil Grab sa kanilang mga customer ng P2 per minute ng travel time sa kabila na taliwas ito sa claim ng kanilang kompaniya.
Giit pa ni Nograles, nasa P10 hanggang P14 per kilometer ang ipinapatong ng Grab sa kanilang mga pasahero.
Babala pa ng mambabatas Grab Philippines, dapat i-refund ito sa mga pasahero dahil kung hindi ay maaring kasuhan sila ng graft.