COMMON SENSE LANG | Russia, hindi natatakot sa bantang missile attack ng Amerika

Russia – Hindi nababahala ang Russia sa banta ni US President Donald Trump ng missile attack sa kanila.

Imbes na matakot, sinabi ni Russian President Vladimir Putin na dapat pairalin ang common sense para maging maayos ang sitwasyon.

Dagdag pa nito na hindi makakatulong ang nasabing banta ng US dahil kapag ginawa nila ito ay mawawala ang mga ebidensiyang nakuha ng international inspectors kapag natamaan ng missile.


Nauna rito nagbanta ang US ng missile attack sa Russia at kaalyado nitong Syria dahil sa naganap na chemical weapon attack na ikinamatay ng mahigit na limampung indibidwal.

Facebook Comments