GOOD NEWS! | Tourist arrival sa Bicol, pumalo ng halos isang milyon sa loob lang ng limang buwan

Bicol – Pumalo na sa halos isang milyon ang tourist arrival sa Bicol region simula nitong Enero.

Batay ito sa tala ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagsasara ng Boracay Island.

Sabi ni DOT Bicol Director Benjamin Santiago, fully booked na ang halos lahat ng hotel at maging ang mga bahay na malapit sa mga tourist spot ay tumatanggap na rin ng mga turista.


Karamihan aniya sa pinupuntahan ng mga turista ay ang mga white beach sa isla ng Caramoan sa Camarines Sur, Ticao sa Masbate at Calaguas sa Camarines Norte pati na rin ang mga hot at cold spring sa Albay at Sorsogon.

Kasabay nito, tiniyak ni Santiago na lalo pa nilang pagagandahin ang kanilang serbisyo at i-a-upgrade ang mga pasilidad sa mga pangunahing tourist spot sa Bicol.

Facebook Comments