Manila, Philippines – Epektibo na ngayong araw ang inaprubahang P25 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ito ay matapos ang 15 na araw na pagkakalathala ng kopya ng wage order mula nang maaprubahan ito noong Nobyembre 5.
Ang mga manggagawa sa non-agriculture sector sa NCR ay tatanggap na ng minimum na P537 mula sa dating P512.
Habang tatanggap ng P500 ang mga nasa agricultural sector, mga nasa retail/service establishments na may 15 empleyado at pababa.
Kasama rin ang manufacturing establishments na may sampung empleyado at pababa.
Facebook Comments