Patuloy na umaarangkada ang Goodbye Gutom Project sa Dagupan City upang mabawasan at tuluyang maging Zero Hunger sa lungsod nang mabawasan ang suliranin sa kakulangan at malnutrisyon.
Kamakailan lamang ay nagtungo ang LGU Dagupan katuwang ang City Nutrition sa Sitio Korea at Sitio China sa Brgy. Bonuan Binloc upang maghatid ng masustansyang pagkain at ilan sa hygiene kits at food packs para sa mga residente.
Kita ang saya sa mga residente at labis na pagpapasalamat sa serbisyong kanilang nakamit sapagkat makakabawas ito sa kanilang iniindang gastos sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Samantala, patuloy na isinusulong ang nasabing proyekto ng lokal na pamahalaan upang maghatid ng masustansyang pagkain sa bawat pamilya sa mga Barangay.
Layunin ng proyekto na mapuksa ang kagutuman, makamit ang seguridad sa pagkain at mapagtibay ang nutrisyon sa lahat ng mamamayan sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments