Sa kauna-unahang pagkakataon, dumaong sa Vladivostok, Russia ang isang barko ng Philippine Navy para sa isang goodwill visit.
Batay sa video na pinost ni Philippine Ambassador to Russia King Sorreta ang pagdaong ng BRP Tarlac lulan ang 440 personnel ay layong bisitahin ang Russian pacific fleet.
Ayon kay Sorreta, layunin rin ng pagbisita ang pagpapalakas ng kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa patungkol sa nararanasang mga maritime challenges.
Mananatili sa Vladisvostok ang BRP Tarlac hanggang October 6.
Matapos nito, magtutungo naman ang navy vessel sa Jeju Island sa South Korea para makiisa sa international fleet review mula October 10 hanggang 15.
Facebook Comments