Hindi pagtalikod sa Estados Unidos ang pag-welcome ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlong warships ng China sa Sasa wharf sa Davao City.
Ayon kay Defense Spokesman, Director Arsenio Andolong pinalalawak lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa kapwa natin bansa sa pandaigdigang komunidad.
Parte aniya ito ng pagsusulong ng gobyerno ng Pilipinas sa Independent Foreign Policy.
Sinabi pa ni Andolong na puno sa ngayon ang mga pantalan sa Maynila kaya hindi kayang i-accommodate ang tatlong barkong pandigma ng China.
Dagdag pa ng opisyal, makatutulong din ang goodwill visit ng China para maibsan ang tensyong umiiral sa West Philippine Sea.
Facebook Comments