Gov. Albano, Pinulong ang mga Mayors, Health Officers hinggil sa COVID-19 Update sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Kaagad na nagpatawag ng pagpupulong si Isabela Governor Rodito Albano III at Vice Gov. Faustino Bojie Dy III sa lahat ng City/Municipal Mayors, City/Municipal Health Officers, Chiefs of Hospitals at Department Heads ng Provincial Government upang suriin ang sitwasyon ng COVID-19 at ang estado ngayon ng pamamahagi ng bakuna sa probinsya.

Sa ulat, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan na bumaba ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong linggo kumpara sa mga nakalipas na linggo kung saan nagdala ito ng mataas na bilang mula sa community quarantine status na Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa General Community Quarantine (GCQ).

Inanunsyo naman ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Arlene Lazaro na ang Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City ay tumatanggap na ng referrals sa COVID-19 severe at critical cases dahil sa mayroon nang dagdag na hospital beds.


Samantala,inabisuhan naman ni Gov. Albano ang Provincial General Services Office (PGSO) na bumili ng higit sa kakailanganing gamot sa COVID-19 at ang paghikayat nito sa lahat ng alkalde na gawin din ang kaparehong hakbang para sa dagdag na bakuna upang masigurong ang kanilang mga kababayan ay maging handa sa paglaban kontra COVID-19.

Iginiit naman ni Luna Mayor Jaime Atayde na marami sa kanyang mga kababayan ang nagtitiwala na sa Rural Health Units (RHUs).

Ayon pa kay Albano, gumanda ang pag-handle ng mga hospital at naging matibay ang MHO sa kabila ng pandemya ay nakakakuha pa rin ng positibong tugon.

Ipinagmalaki rin ng opisyal na ang Isabela ang kauna-unahang probinsya sa bansa na tumanggap ng Locally Stranded Individuals maging Overseas Filipino Workers kung saan ang ibang lugar sa bansa ay hindi pinapayagan ang pagbabalik sa mga bahay ng kanilang mga kababayan.

Tiniyak naman ni Albano sa MHO at mga pasyente ang patuloy na suporta ng Provincial Government sa pagbibigay ng food packs at health kits tuwing makalipas ang dalawang linggo.

Facebook Comments