Gov. Hataman, pinaghahanda na ang kanyang cabinet officials para sa transition!

Kasabay ng isinasagawang People’s day sa lalawigan ng Basilan ay ipinatawag at pinulong din ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang kanyang gabinete.
Doon ay muling pinaghahanda ni Gov. Hataman ang mga ito para sa transition sa oras na maipasa na at ganap nang maging batas ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ang paghahanda para sa transition ang pinaka-agenda ng naturang pulong sa Isabela City.
Sinabi ni Gov. Hamatam na may pangangailangan na bumuo ng “committee on inventory” upang malaman ang assets na isasalin sa Bangsamoro government, ang bagong entity na papalit sa kasalukuyang ARMM.
“Ang pinalayunin ng transition ay malaman ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) kung ano ang natapos natin at doon sila magte-take off,” dagdag pa ng gobernador.(PHOTO CREDIT:BPIARMM)

Facebook Comments