Political Committee ng MILF, nagdaos ng Symposium!

Isinagawa ng Political Committee ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Bangsamoro Symposium sa bayan ng RAJAHBUAYAN, MAGUINDANAO.
Ang pagkakaisa at pagkakasundo ay susi sa walang hanggang kapayapaan sa tinubuang-bayan, ito ang binigyang diin ni KPI staff Abdulaziz Talib sa kanyang mensahe.
Ano mang organisasyon ang kinaaaniban, ang mahalaga ay mayroong pagkakaisa at pagkakasundo upang makamit ang layunin na makapagtatag ng Bangsamoro government dagdag pa ni Talib.
Sinabi pa ni Talib na ang MILF at Moro National Liberation Front (MNLF) ay nakapagsagawa na ng mga dayalogo, reconciliation, unification initiatives at natalakay ang pakikibaka ng mga Moro para sa self determination.(photo credit:luwaran)

Facebook Comments