Gov. Hataman sa kanyang gabinete: "Ipagpatuloy ang transparency"!

Sa pakikipagpulong nito sa kanyang gabinete nitong Lunes, inudyukan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang mga ito na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng “open and transparent governance” na sinimulan sa ilalim ng kanyang administrasyon upang makapagbigay ng mas mainam at mahusay na serbisyo sa rehiyon.
Tinipon ni Gov. Hataman ang head ng regional line agencies upang i- assess ang estado ng mga programa at proyekto noong 2017 at tinalakay ang mga plano para sa kasalukuyang taon.
Sinabi ng gobernador, umaasa s’ya na iikot ang heads of agencies sa buong rehiyon upang tingnan ang mga proyekto at hindi lamang nakaupo sa loob ng kanilang opisina.
Inaasahan na namang sasailalim sa Governor’s Initiative for Systems Assessment (GISA) sa huling bahagi ng Enero ang mga ahensya ng gobyerno sa ARMM kung saan ipiprisenta nila ang kanilang performance reports, audit findings, fund transfer and liquidations at financial accomplishments para sa fiscal year 2017.
Ang GISA ay paraan ng regional government upang matiyak na ang mga programa at proyekto ng line agencies at mga departamento ay mahusay na naipatupad at maayos na nagastos ang pondo para rito.(photo creidit:bpi-armm)

Facebook Comments