DepEd-ARMM, nagbabalangkas ng 5-year strategic plan!

Nitong Lunes, January 8, 2018 nang simulan ng Department of Education-ARMM ang three-day planning workshop upang makapagbalangkas ng 5-year strategic plan sa regional at schools division level.
Bukas, araw ng Miyerkules, Enero 10 taong kasalukuyan, inaasahang magtatapos ang aktibidad.
Ang planning workshop ay isinasagawa sa Basilan Training Hall ng DepEd-ARMM Office dito sa Cotabato City.
Tumutulong sa pagbabanghay ng strategic plan ang schools division superintendents, assistant schools division superintendents, finance officials, physical facilities coordinators at iba pang key officials mula sa siyam (9) na schools divisions sa ARMM.
Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na patuloy ang regional government sa pagpapahusay sa kasalukuyang sistema at proseso ng regional at division offices ng DEpED upang makatulong na maiangat ang academic performances ng bawat dibisyon, magkaroon ng transaksyon na mas transparent at upang ma-empower ang schools divisions.(photo credit:bpi-armm)

Facebook Comments