Gov. Imee Marcos, hindi pa rin ligtas kahit humarap na sa kamara

Manila, Philippines – Hindi pa rin ligtas si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kahit pa humarap na ito kanina sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa maanomalyang paggamit ng 66.4 Million na tobacco excise tax fund na pambili ng mga multi-cabs, mini-trucks at mga bus.

Ayon kay Committee Chairman Johnny Pimentel, pahaharapin pa rin sa Kamara si Marcos sa August 9 para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa paggamit ng tobacco excise tax fund.

Isasama na rin kasi sa imbestigasyon ang House Resolution 1126 ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao kaugnay sa mga benepisyong natanggap ng mga tobacco farmers.


Kukwestyunin si Marcos kaugnay sa mga benepisyong naibigay at napakinabangan sa mga tobacco farmers.

Mula 2006 hanggang 2016 nasa 1.5 Billion ang nakolektang excise tax mula sa tabako.

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa Kamara sa pagpapalaya sa Ilocos 6.

Sinabi ni Marcos na masaya siya sa naging resulta ng pagdinig ngayon dahil matagal ng hinihintay ng Ilocos 6 na makauwi at makasama ang kanilang pamilya.

Kanina ay muntik naman na ma-cite in contempt si Marcos matapos na magmatigas ito na sabihin kung sino ang source sa paratang na may 100 milyong suhol sa mga kongresista para idiin at ipakulong ang gobernadora.

Sa huli ay binawi niya ito ni Marcos at humingi ito ng tawad sa mga kongresistang nasaktan sa alegasyon.

Facebook Comments