Gov. Toto at iba pang Maguindanao Leaders opisyal ng nanumpa sa PDP Laban

Pinangunahan ni Senate President Aquilino Koko Pimentel ang oath taking ng mga bagong myembro ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan na nagmumula sa Maguindanao Province at Regional Legislative Assembly ng ARMM.

Isinagawa ang aktibidad sa GoldenBay , Pasay na nilahukan ni Maguinadanao Governor Esmael Mangudadatu, VG Datu Lester Sinsuat, 26 na mga alkalde, bise alkalde, mga board members ng dalawang distrito.

Nanumpa rin sa partido ang mga Assemblymen ng limang lalawigan ng rehiyon na pinangunahan ni Speaker Datu Roonie Sinsuat.


Naitaon ang aktibidad sa ika 36th na anibersaryo ng partido.

Nangako naman ang tumatayong chairman ng Maguindanao na si Gov. Toto na magpapatuloy sa pagsuporta sa bawat myembro at maipagpapatuloy ang mga adbokasiya ng presidente Rody Duterte.

Facebook Comments