Governing, competent ang LGUs sa ARMM!

24

Sa scale na 1-10, bibigyan ni DILG-ARMM Sec. Atty. Noor Hafizullah “Kirby” M. Abdullah ng 6 na grado ang local government units (LGUs) sa ARMM sa kanilang naging performance noong 2017.
Sa “TAPATAN sa ARMM”, sinabi ni Sec. Abdullah na malaki ang naging pag-unlad ng pagganap ng LGUs sa rehiyon, indikasyon nito ay ang pagpasa ng maraming LGUs sa full disclosure policy ng gobyerno kung saan noong 2015 ay 17, 41 noong 2016 at naging 66 noong 2017.
Kung noong mga nakalipas na taon ay wala ni isang LGU sa ARMM na nakakakamit ng DILG-SGLG award, noong 2016 ay 6 ang nagmakit samantalang 22 noong 2017.
Sa kasalukuyan ay masasabi nang “competent” at “governing” ang mga lokal na pamahalaan sa ARMM, dagdag pa kay Sec. Abdullah.(PHOTO CREDIT:BPIARMM)

Facebook Comments